bloomsbury central baptist church logo click here to contact us click here for our location details
picture of young people outside the churchthe headline of this page is at a glance
 
click here for our homepage
click here for a quick guide to bloomsbury baptist
click here for the people, identity and mission of the church
click here for our diary and news stories
click here for our prayer pages
click here to download music, sermons and talks
click here for pages about global issues
click here for the history of the church
click here for future developments on this website
click here to find information about hiring rooms
 


Malugod na pagtanggap

Mula 1848 ang mga tao ay pumupunta sa simbahang ito, ito’y “bahay dalanginan”. Ngayon at sa araw-araw, kayo ay malugod na tinatanggap.

Ang Bloomsbury Central Baptist Church ay isang tagpuan na lugar kung saan ang mga tao mula sa iba’t-ibang uri ng buhay, kaalamang buhat sa karanasan at mga bansa ay magtitipontipon sa espiritu ng pagkakaibigan at pagtanggap para magsamba o magpuri sa Diyos. Kami ay simbahan na naghahanap na maihanay ang Kristiyanong Ebanghelyo sa nga katutuhanan ng mga pang-araw-araw na buhay. Ginagawa namin ito sa pamamagitan ng aming pag-aalala para sa ating mundo, nag-uukol ng panahon sa praktikal na paglilingkod sa kapwa lokal at sandaigdigan, at sa pamamagitan ng pagsamba- na kahit ito may kalimitang tradisyonal, ay nagpapasigla din at mapaghamon.

Bilang anak ng Panginoon, ang aming pagtatalaga ng aming paglilingkod ay likas na nagsisimula kay Kristo. Nagnanasa kaming masunod Siya kahit alam naming na lahat tayo ay madalas nagkukulang sa mataas Niyang halimbawa o kahuwaran. Ang mapanghahawakan naming gabay sa aming pananampalataya ay ang Bibliya – hindi ito tagabigay ng simple o handang-gawang sagot sa mga problema na haharap sa atin bilang indibidwal o isang lipunan, kundi bilang pinanggagalingan ng malawak na kaalaman at inspirasyon. Sa aming pananampalataya, kasama ang bukas naming kaisipan sa iba’t-ibang puntos ng pananaw, humahanap kami ng mas mabuting kaalaman ng buhay at ng Diyos.

Kung kararating lang ninyo dito sa London upang maghanapbuhay o mag-aral, kung kayo man ay napapadaan lang sa inyong pagbabakasyon o bisnis, kung kayo man ay nandito na sa buong buhay ninyo, o kayo man ay nakatira sa bahay o sa daan, o kayo man ay dumadalo sa simbahan na regular o paminsan-minsan o hindi ni kahit minsan – kayo ay malugod na tinatanggap sa Bloomsbury, ang simbahan sa loob ng siyudad, para sa lungsod at sanlibutan.

makipag-alam - tunog na matalim

 
quick links to essential areas of the website are shown below
      © Bloomsbury Central Baptist Church 2006
Home | Site map